GLADworks Productions Blog


GLADworks is Back! Sa Sabado … Sa Sam’s Pre-Production!
July 31, 2006, 8:36 am
Filed under: Sa Sabado... Sa Sam's

GLADworks is back! This time, it’s more than a production design house.

For it’s comeback, we are staging Chris’ Martinez’ “Sa Sabado… Sa Sam’s.” on the 1st and 3rd week of October.

Getting ready for the first script reading. Mukhang serious, di ba? Paul (‘yong nasa computer), the Associate Production, si Tatang na napapayag ko na mag PD, si Meliton ang Technical Director, si John Magsaysay ang Costume Designer at sa maniwala kayo’t sa hindi… ako ang magdi-direct. Cost-cutting measures. Hahaha!

At the GLAD office. Kakai (Cast), Meliton (Technical Director), Nanang ko po! (Production Manager) and Yvette (Asst. Stage Manager). Go! Go! Go na ito!

Si Ketchup at si Kakai… Kung natatawa sa script ang dalawang komedyanteng cast ko… paano na lang kayo?

Relax lang si Pocholo… kasi naman parang true-to-life lang ang role nya! Hahaha! Si Pao Magsaysay ang intense sa pagbabasa. Pao, costume designer ka… parang gusto mo yatang maging understudy…

Yosi break with three of the cast members. Pocholo Barreto, Kakai and Ketchup Eusebio. Abangan ang iba pa…



Welcome to the Gladworks Productions Blog!
July 31, 2006, 8:26 am
Filed under: Uncategorized

What is Glad Works?

 Glad Works is the Production Group of Dante Garcia.

 Who is Dante Garcia?

 Here’s the mini-profile:

Siya ang nagdisenyo ng kasuotan para sa Phaedra, The Trial/Ang Paglilitis at Elias at Salomeng Dulaang UP.

Siya rin ang nagdisenyo ng make-up para sa Ang Sundalong Kapitan at kasuotan para sa A.T. at nagdisenyo ng produksyon para sa Komedi ng UP Playwrights’ Theater.

Siya ay kasalukuyang kasapi ng Board of Directors ng Production Guild of the Philippines(pdgp).

Isa rin siya sa mga napili ng Film Academy of the Philippines bilang pinakamagaling na tagadisenyo ng produksyon noong taong 2004 para sa pelikulang Keka ng VIVA Films.

Ilan naman sa kanyang matagumpay na disenyo para sa telebisyon ay ang Bituin na pinagbibidahan ni Nora Aunor, ang Mangarap Ka ni Piolo Pascual, ang ‘Til Death Do Us Part na tampok ang tambalang Kristine Hermosa-Diether Ocampo.

Siya rin ang nagdisenyo ng produksyon sa matagumpay na pelikula ng Star Cinema ang Don’t Give Up On Us.

Kasalukuyan siyang abala bilang pangulo ng GLADworks, isang kompanyang nagdidisenyo ng iba’t ibang produksyon, kabilang na ang ilang program ng ABS-CBN at studio 23.




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.